BIYERNES ng madaling araw, habang isinasagawa ang parking procedure sa eroplano ng Cebu Pacific Air A-321 mula Bay 111 patungo sa Bay 122A nang bigla itong nabalahaw sa damuhang bahagi ng Taxiway sa NAIA Terminal-3.
Nilinaw ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Cebu Pacific (CEB) na hindi galing sa isang flight o nag-landing at nag-take off ang eroplano, wala ring flight number kaya wala itong sakay na pasahero at flight crew kaya wala ring nasugatan sa insidente.
Dahil sa insidente, ang nasabing tatlong parking bay ay pansamantalang hindi nagamit para sa wide-body aircraft.
Ang resulta, na-delay ang ilang flights sa NAIA Terminal-3 na karamihan ay international flight.
Binigyan naman ng pagkain ng MIAA at ng airlines ang mga pasaherong naapektuhan ng insidente.
Tuluyan nang nahila ang nabalahaw na eroplano ng Cebu Pacific sa taxiway sa NAIA T-3 bago mag 2:00 ng hapon.