Erwin Tulfo kinumpirma na kinausap siya ni Escudero at Sotto

Erwin Tulfo kinumpirma na kinausap siya ni Escudero at Sotto

INAMIN ni Senator-elect Erwin Tulfo na tumawag sa kaniya si Senate President Francis “Chiz” Escudero at Senator-elect Vicente “Tito” Sotto III.

Ang dalawang senador ang itinuturing na malalakas na kandidato para sa posisyon ng Senate President sa nalalapit na ika-20 Kongreso.

Ayon kay Tulfo, si Sotto ay kaniyang nakasama sa senatorial slate noong nakaraang halalan, habang si Escudero naman ay malapit sa kaniyang kapatid na si Sen. Raffy Tulfo.

Wala pa aniya siyang ibinigay na sagot sa kanilang dalawa.

Ipinunto ni Tulfo ang maganda umanong performance ni Sotto at ang natatanging estilo ng pamumuno ni Escudero.

Ayon kay Tulfo, sa unang linggo ng Hulyo niya ilalabas ang kaniyang desisyon kung sino ang kaniyang susuportahan.

Samantala, bilang isang neophyte sa Senado, sinabi niyang makikipagpulong siya sa mga beteranong senador upang humingi ng payo at gabay sa pagtupad ng kaniyang tungkulin sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble