Esperon, pinapa-block sa NTC ang access sa mga website na may kaugnayan umano sa mga terorista

Esperon, pinapa-block sa NTC ang access sa mga website na may kaugnayan umano sa mga terorista

HINILING ni National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon sa National Telecommunications Commission (NTC) na i-block ang access sa mga website na may kaugnayan at sumusuporta umano sa mga terorista at terrorist organizations.

Kabilang dito ang website ng ilang independent media gaya ng Bulatlat at Pinoy Weekly maging ang ilang progresibong grupo gaya ng RMP at Save Our Schools.

Hindi naman isinama ni Esperon sa kanyang liham sa NTC ang mga patunay para suportahan ang kanyang mga sinasabi.

Ang hakbang na ito ni Esperon ay kasunod ng pagdeklara sa CPP-NPA-NDF bilang mga terorista.

 

Follow SMNI News on Twitter