ISINARA ng Quezon City ang dalawang lodging establishment sa kanilang lugar.
Ito ay bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa human trafficking at pagsasamantala sa mga bata.
Sa ulat, nasagip ng mga pulis ang anim na menor de edad mula sa ipinasarang lodging establishments.
Inaresto rin ang dalawang indibidwal kaugnay nito dahil sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Noong nakaraang linggo ay ipinasara din ng lungsod ang isang hotel sa Novaliches dahil sa paglabag sa ordinansa sa alak.
Inirereklamo ang hotel dahil pinayagan nitong uminom ng alak ang mga menor de edad sa loob ng kanilang pasilidad.