KINUWESTIYON ni dating NTF-ELCAC spokesperson Dr. Lorraine Badoy ang estado ng pag-iisip ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kasunod ng kawalan ng paninindigan nito na hindi makikipagtulungan sa anumang utos ng International Criminal Court (ICC).
Pero taliwas ito sa ginawa ng pamahalaan kung saan binigyan pa ng importansiya ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa umano’y utos ng ICC.
Kitang-kita rin na mismong ang hepe ng Philippine National Police (PNP) at pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nakipagtulungan sa Interpol para isilbi ang umano’y warrant of arrest laban sa dating presidente, bagay na malayo ito sa unang pahayag ng gobyerno na hindi nila kikilalanin ang ICC sa bansa.
Ayon kay Dr. Badoy, maaaring epekto ito ng umano’y paggamit ng ilegal na droga—ang pabago-bagong desisyon ni Pangulong Marcos Jr.—kung kaya’t wala itong kakayahan na manindigan sa mga sinasabi nito.
Para kay Badoy, dapat magbayad ang gobyernong Marcos Jr. sa mga kalapastanganan na ginawa nito, lalo na sa isang taong minahal at patuloy na minamahal ng milyon-milyong Pilipino at maging ng mga lider sa iba’t ibang panig ng bansa.
Samantala, naniniwala naman si Badoy na gusto lang ilihis ng Marcos Jr. administration ang isang malaking isyu sa diumano’y napabalitang pagkakasangkot ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa isang insidente sa Amerika.
Ang hirap aniya sa administrasyong Marcos Jr. ay nasanay sa pagtatago at pagtatakip ng mga impormasyon at sa mga nangyayari sa bansa.
Follow SMNI News on Rumble