Estados Unidos at South Korea, binuksan ang pinakamalaking drills sa gitna ng banta ng North Korea

Estados Unidos at South Korea, binuksan ang pinakamalaking drills sa gitna ng banta ng North Korea

BINUKSAN na ng Estados Unidos at South Korea ang kanilang pinakamalaking military training kasabay ng lumalakas na banta mula sa pwersa ng North Korea.

Ang Ulchi Freedom Shield Exercise ay magpapatuloy hanggang Setyembre 1 sa South Korea kabilang na ang field exercises nito.

Ayon sa Washington at Seoul, ang kanilang exercise ay defensive pero ayon naman sa North Korea ay invasion rehearsal ito.

Ang Ulchi Freedom Shield ay nagsimula kasabay ng 4 na araw ng training program ng South Korea Civil Defense Program.

Samantala, sasailalim din sa training sa drone attacks ang mga ito maging iba pang development sa digmaan na nakita sa Russia-Ukraine war.

Follow SMNI NEWS in Twitter