INIHAYAG ni Secretary of State Antony Blinken ang plano nitong magbukas ng embahada para sa Palestinians at nangako ng $40-M na tulong para sa gobyerno ng Palestine sa West Bank.
Sa kanyang unang opisyal na pagbisita sa rehiyon, nakipagkita si Blinken sa mga Israeli at Palestinian leader kung saan naging sentro ng usapan ang nangyaring cease fire sa matapos ang 11 araw na labanan ng Israel at ng militanteng grupo ng Hamas sa Gaza Strip.
(BASAHIN: Israel at Hamas, nagkasundong mag-ceasefire matapos ang 11-araw na digmaan)
Nangako ang opisyal ng internasyonal na suporta para sa hakbang ito ngunit inihayag niyang walang tulong na makakaabot sa grupo ng Hamas na ikinukonsidera nitong teroristang grupo.
Sinabi naman ni Blinken na palaging magpapaabot ng tulong si US President Joe Biden sa rehiyon kumpara sa mga nakaraang administrasyon.
Bubuksan umano muli ng Estados Unidos ang konsulado nito sa Jerusalem kung saan sa loob ng maraming taon ay nagsilbing de facto embahada ng Palestinians.
Hindi nilinaw ni Blinken kung kailan ang muling pagbubukas pero nagbigay ito ng kasiguraduhan na malapit na ito.
Matatandaan na ang labing isang araw na digmaan ng Israel at Hamas ay nagdulot sa pagkasawi ng 250 katao na karamihan ay Palestinians na nagdulot ng malawakang pagkasira sa coastal territory ng Gaza.