MAGTATAYO ang Estados Unidos ng 5 military bases para sa Somali Army.
Ang hakbang ay para mapalakas ang kanilang military capability sa gitna ng nagpapatuloy na banta mula sa extremist group na Al-Shabab.
Iuugnay naman ang military bases sa Danab Brigade na itinayo noong taong 2017.
Ang Danab Brigade ay bunga ng kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Somali na mag-recruit, mag-train, at mag-mentor ng nasa 3000 kalalakihan at kababaihan upang makabuo ng malakas na infantry capability.