PUNO at siksikan ang mga botante sa Esteban Juntado Elementary School sa Brgy. Calumpang, Molo, Iloilo City, ngayong araw ng halalan.
Ayon kay Jessie Sodia, Principal at DepEd Supervising Official ng paaralan, limitado ang espasyo sa kabila ng malaking bilang ng mga botante mula sa Brgy. Calumpang, na umaabot sa halos 9,000.
Dahil sa siksikan at matinding init, isang lalaki ang hinimatay at agad namang nabigyan ng paunang lunas.
Patuloy pa rin ang dagsa ng mga botante sa nasabing lugar habang pinaigting ang seguridad at first aid response.