NILINAW ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na napag-usapan nilang hindi na isali ang mga estudyante sa Mandatory Basic Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) bill kung ito ay may kursong anim na buwan lang gaya ng sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Batay aniya ito sa pagtalakay nila sa nabanggit na panukala sa Senado kahapon dahil ang panukalang mandatory ROTC ay katumbas ng 2 taon.
Sinabi ni Dela Rosa, sakop naman ng Republic Act 7077 (Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act) ang mga ito basta’t ipa-implementa lang nang maayos ang batas.
Samantala, napagkasunduan na ang magagaling na reservists o ang mga retired ang kukunin para magturo sa mandatory ROTC.