NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga na kinilalang si alyas Doy, 28 taong gulang, estudyante at residente ng Purok 7, Brgy.
Limaha matapos ang ikinasang buy-bust operation pasado 2 AM nitong Abril 30 kung saan nakuha rito ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P20K.
Sa kaparehong araw at lugar, 8:41 PM, arestado rin ng Butuan City Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang kinilalang si alyas Loloy na isa ring street level individual.
Nakumpiska rito ang isang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos pitong libong piso.
Kakaharapin ng mga suspek ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.