Ethiopia, inilagay sa Alert Level 4 ng DFA

Ethiopia, inilagay sa Alert Level 4 ng DFA

INILAGAY ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang bansang Ethiopia sa Alert Level 4.

Ito’y matapos lumalala ang sitwasyon ng seguridad sa bansa.

Dahil dito, inabisuhan ng DFA na ang publiko na huwag munang bumiyahe sa Ethiopia dahil sa nagpapatuloy na tunggalian sa Tigray at iba pang karatig rehiyon.

Sa ilalim ng Alert Level 4, inaanyayahan ang lahat na umiwas sa non-essential movements at sa mga pampublikong lugar.

Kailangan ring maghanda ang mga ito para sa evacuation.

Aabot naman sa walong daan ang mga pilipinong naninirahan sa Ethiopia batay sa pinakahuling update noong December 2020.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.