IGINIIT ni Justice Sec. Boying Remulla na maaaring makipag-usap ang mga miyembro ng European Parliament sa kanila.
Subalit ang binigyang-diin ni Remulla, hindi maaaring manduhan nito ang Pilipinas kung ano ang dapat gawin partikular na ang hinggil sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa naging drug war campaign ng Duterte admin.
Dagdag pa ni Remulla, isang “independent country” ang Pilipinas at hindi ito kolonya ng Europa sa kasalukuyan.
Nitong Miyerkules nang makipagkita rin ang ilang miyembro ng European Parliament.
“Intense” kung ilarawan ni Sen. Bato Dela Rosa ang pagpupulong nila sa pagitan ng mga ito.
Aniya, ipinipilit ng mga taga-Europa ang kanilang standard sa Pilipinas.
May isa pang abogado ani Sen. Dela Rosa ang kumukwestiyon kay Sen. Jinggoy Estrada hinggil sa kanyang resolusyong inihain na pumuprotekta kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa imbestigasyon ng ICC.