APRUBADO na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.
Ito ang inanunsyo ni FDA Director General Eric Domingo ngayong Huwebes.
Ayon kay Domingo, base sa interim data mula sa nagpapatuloy na Phase 3 trials, ang bakuna ay may efficacy rate na 95 percent sa study population at 92 percent sa lahat ng racial groups.
Kinakailangan din aniya ng Pfizer-BioNTech ng ultra cold storage na -70 hanggang -80 degrees Celsius, isang pasilidad na maaaring maibigay sa Metro Manila maging sa Cebu City at Davao City.
Sinabi ni Domingo na ang Pfizer-BioNTech’s COVID-19 vaccine na unang nabigyan ng EUA sa Pilipinas ay maaari iturok sa 16 taong gulang pataas.
Nilinaw naman ng FDA chief na ang pag-iisyu ng EUA ay hindi certificate of production registration at hindi maaaring ibenta commercially.