SINUSURI na ngayon ng mga vaccine expert ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga data ng ilang COVID-19 vaccine para sa posibleng Emergency Use Authorization (EUA) revision.
Alinsunod na rin ito sa rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) para sa COVID-19 vaccine additional o booster shots.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nagsumite na ng sulat ang Department of Health (DOH) kahapon na humihiling na i-review ang EUA.
Sinabi ni Domingo na lalabas ang pinal na rekomendasyon ng FDA experts ukol dito sa loob ng isang o dalawang linggo.
Una nang nagsumite ang DOH ng aplikasyon para sa EUA ng COVID-19 vaccine booster shots para sa healthcare workers at senior citizens.
COVID-19 vaccination sa lahat ng minor, edad 12-17 sa buong bansa, maaring magsimula sa November 3
Maaring magsimula ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa lahat ng menor de edad na may edad 12 hanggang 17 sa buong bansa sa Nobyembre a-tres.
Ito ang inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.
Ayon kay Galvez, sa Biyernes (bukas) ay karagdagang 40 hanggang 50 ospital ang inaasahang bubuksan sa buong bansa para sa pagbabakuna sa mga bata.
Sa ngayon, ang Pediatric COVID-19 Vaccination Program ay para lamang sa mga minor na may edad 12 hanggang 17 at may comorbidities na nakatira sa Metro Manila.