Eumir Marcial, panalo sa unang professional fight sa Pilipinas

Eumir Marcial, panalo sa unang professional fight sa Pilipinas

AGAD na tinapos ng Filipino Olympian Boxer na si Eumir Marcial ang kaniyang homecoming fight sa Ninoy Aquino Stadium nitong weekend laban sa Thai fighter na si Thoedsak Sinam.

Sa 1:33 mark ng fourth round, napatumba ni Marcial ang Thai fighter via left uppercut.

Dahil dito, mas pinaganda pa ng 2020 Tokyo Olympics bronze medalist ang kaniyang professional record na may 5 wins, zero loss, and three knockouts.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Marcial sa lahat ng sumuporta sa kaniyang laban dito sa Pilipinas na kauna-unahang professional fight nito ngayong taon.

Sa ngayon, sunod na pinaghahandaan ni Marcial ang papalapit na Paris Olympics na idadaos simula Hulyo 26 hanggang Agosto 11, 2024.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter