Evacuation Center Master Plan, inihahanda ni Rep. Sandro Marcos

Evacuation Center Master Plan, inihahanda ni Rep. Sandro Marcos

IHAHANDA na ni Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos ang Evacuation Center Master Plan para sa kanyang distrito.

Ito ay hakbang upang maprotektahan nito ang kanyang mga kababayan kung may mananalasang malakas na bagyo.

Aniya, hindi nito gustong makipagsapalaran ang kanyang minamahal na mga kababayan sa Northern Luzon dahil sa bagyo.

Kaya naman hinikayat ni Ilocos Norte 1st District Rep. Marcos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para tulungan siyang makabuo ng topographical assessment sa kanyang lugar.

Pinasalamatan din ni Sandro ang DENR sa pagtulong sa kanila na matukoy ang mga lugar na pinaka-prone sa pagguho ng lupa at pagbaha.

 

Follow SMNI News on Twitter