Evaluation at screening sa courtesy resignation ng 3rd level officials ng PNP, patapos na

Evaluation at screening sa courtesy resignation ng 3rd level officials ng PNP, patapos na

MATATAPOS na ang ginagawang screening ng 5-man advisory group sa courtesy resignation ng third-level officers ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang iginiit ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Redrico Maranan.

Ayon kay Maranan, nasa final stretch na ang evaluation at screening ng advisory group sa mga isinumiteng courtesy resignation ng mga police colonel at police general.

Tatapusin aniya ng advisory group ang vetting process bago magretiro si PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. sa Abril 24.

Agad na isusumite ng advisory group ang report kay Interior Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. para sa endorsement ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga tatanggapin na courtesy resignation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter