NILINAW ni dating Vice President Leni Robredo na lahat ay welcome sa kanilang lugar tuwing kapistahan ng Peñafrancia.
Ito ay kasunod ng pagbisita ni Vice President Inday Sara Duterte sa dating bise presidente noong Biyernes, Setyembre 20.
Ani Robredo, walang political colors at politically neutral ang kanilang lugar tuwing selebrasyon ng Peñafrancia Festival sa Naga City na nagsimula pa sa kaniyang asawa, ang nasawing si DILG Secretary Jesse Robredo.
Una nang sinabi ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo na hindi meeting ang nangyari sa pagitan nina Robredo at VP Sara kundi isang simpleng pag-uusap lamang na walang kinalaman ang politika.
Bukod kay VP Sara, bumisita rin kay Robredo ang kasalukuyang kalihim ng Department of the Interior and Local Government at si Sen. Bong Revilla.