INAMIN ng isang dating kalihim ng Department of National Defense (DND) at ngayo’y senatorial candidate na si Norberto Gonzales na hindi pa handa ang Pilipinas sakaling sumiklab ang giyera sa pagitan ng China at Taiwan.
“Very sorry to say this baka dumating ang panahon o oras na ang ating countrymen will be on their own,” ayon kay Norberto Gonzales Senatorial Candidate | Former Defense Secretary.
Sa eksklusibong panayam ng SMNI News sa programang Pulso ng Bayan, sinabi ni Norberto Gonzales—dating kalihim ng Department of National Defense at ngayo’y senatorial candidate—na magiging malawak ang pinsala sakaling sumiklab man ang giyera sa pagitan ng China at Taiwan.
Kabilang sa madadamay ay ang libu-libong Overseas Filipino Workers o OFWs na naninirahan sa Taiwan.
Punto pa ni Gonzales, kung talagang seryoso ang ating pamahalaan na tulungan ang ating mga kababayan sa Taiwan, sinabi nito na dapat ngayon palang ay bumuo na ng task force ang gobyerno na tutulong sa paghahanda sa mga OFW.
“Ang lagi kong dinidiin wala tayong kaplano-plano bilang isang bansa, walang kaplano-plano ang ating armed forces,” saad ni Gonzales.
Binigyang-diin ng dating opisyal na hindi tayo obligadong sumawsaw sa problema ng China at Taiwan. Ang mahalaga aniya’y handa ang mga Pilipino sakaling madamay sa namumuong giyera.
“Wag nating iispin yong tungkol sa pagiging obligado ang importante kapag inatake ka, lalaban ka,” ani Gonzales.
Ang nakikita niyang solusyon – linawin ang foreign policy ng Pilipinas; makipag-usap ng maayos sa China.
“Pumunta ulit sila sa China dagdag paliwanag pa,” dagdag nito.
Sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng China at Taiwan, libu-libong Pilipino sa Taiwan ang posibleng maapektuhan. Sa ngayon, wala pang inilalatag na konkretong plano ang gobyerno para sa kanilang kaligtasan.
Habang patuloy ang pag-aalboroto ng sitwasyon sa rehiyon, nananatiling tanong kung anong mga hakbang ang gagawin ng Pilipinas upang paghandaan ang anumang posibleng epekto nito sa bansa at sa mga mamamayang Pilipino.
Follow SMNI News on Rumble