Ex-PDEA agent Morales, hindi dapat pag-initan—Atty. Panelo

Ex-PDEA agent Morales, hindi dapat pag-initan—Atty. Panelo

HINDI maintindihan ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo kung bakit tila minamasama ngayon si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales kaugnay sa isyu ng “PDEA leaks”.

Lalo na ngayon at nai-cite in contempt ito.

Ani Panelo, mahirap na pabulaanan ang lahat ng mga sinabi ni Morales dahil siya mismo ang nagpapatunay na totoo ang pre-ops document kung saan kabilang ang pangalan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at aktres na si Maricel Soriano na humihithit diumano ng ipinagbabawal na droga.

Kaya inuulit ni Atty. Panelo ang kaniyang panawagan kay Pangulong Marcos upang matuldukan na ang mga alegasyong ibinabato sa kaniya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter