BINIGYANG-diin ni Gen. Benjamin Acorda Jr. na para lahat sa ikabubuti ng bansa ang kaniyang ginawa noong siya pa ang hepe ng Philippine National Police (PNP).
Tugon ito ng dating PNP chief sa mga lumutang na larawan niya kasama ang ilang indibidwal na may ugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Sa mga ulat, sa ilalim ng pamamahala ni Acorda sa PNP ipinatupad ang malawakang mga operasyon laban sa POGO lalong-lalo na ang sangkot sa human trafficking at iba pang krimen.
Samantala, sinabi na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ipagpapatuloy nila ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa umano’y dating PNP chief na nasa payroll ng POGO at tumulong din para makatakas si Alice Guo sa Pilipinas.
Nauna namang sinabi ni dating Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) commander at ngayo’y Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Executive Raul Villanueva na tsismis lang pala ang nakuhang impormasyon niya hinggil dito sa dating PNP chief na may ugnayan sa POGO.