Ex-UFC Anthony “Rumble” Johnson pumanaw na sa edad na 38

Ex-UFC Anthony “Rumble” Johnson pumanaw na sa edad na 38

PUMANAW na si dating UFC champion Anthony “Rumble” Johnson sa edad na 38 dahil sa matagal na nitong sakit.

Ayon sa Bellator spokesperson, matagal na umanong dinaramdam ni Johnson ang nasabing sakit, sa katunayan ay na-dialysis na ito ngunit ayaw niyang maisapubliko ito sa kadahilanang hindi niya gustong tratuhin siya sa kakaibang pamamaraan.

Umani naman ng papuri ang young mixed martial artist sa pagiging mapagkumbaba nito.

Nakilala si Johnson noong tinalo niya ang mga malalaking pangalan sa UFC na sina Glover Teixeira at Alexander Gustafsson.

Hawak nito ang professional record na 23 panalo at anim na talo.

Taong 2017 nang ianunsiyo niya ang kaniyang pagreretiro sa UFC at bumalik sa mixed martial arts.

Follow SMNI NEWS in Twitter