Ex- US Intel Officer sa mga Pilipino: Ginagamit lang namin kayo laban sa China

Ex- US Intel Officer sa mga Pilipino: Ginagamit lang namin kayo laban sa China

NAGSAMA-sama kamakailan ang mga anti-war advocate sa US para bigyang babala ang mundo sa nakaambang nuclear Armageddon.

Sa press conference na inorganisa ng Schiller Institute, isa-isang ipinaliwanag ng mga eksperto at dating opisyal ng US Government kung gaano ka-delikado ang nuclear war.

Kabilang sa mga tinalakay ang magiging parte ng Pilipinas sakaling sumiklab ang digmaan gamit ang isyu sa West Philippine Sea.

Para kay Scott Ritter, isang dating US Marine Corps Intelligence Officer — ginagamit lang ng Amerika ang Pilipinas laban sa China.

“We are using you. You are a tool, nothing but a tool. And when the tool ceases to be useful, we will discard you,” pahayag ni Scott Ritter, Former US Marine Corps Intelligence Officer.

Ani Ritter, na nagsilbi rin bilang Chief Weapons Inspector ng United Nations, ang isyu sa West Philippine Sea ay ginagamit ng kaniyang gobyerno para gulangan ang China.

“And discard you means usually after a war that devastates you. We are using you to gain some sort of momentary leverage over the Chinese. We will fail,” dagdag ni Ritter.

Punto pa ni Ritter – tiyak na mananalo ang China kontra United States sa WPS.

At ang kawawa dito, ang mga walang kamalay-malay na Pilipino.

“The Chinese will win, and you will be destroyed. End of story. It’s high time the Filipino people pressure their government to start sitting down and engaging the Chinese government responsibly,” ani Ritter.

Nakasandal ngayon ang Philippine Government sa aniya’y ‘iron clad’ na ugnayan nito sa US Government.

Katunayan, sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, mas lalong dumami ang EDCA sites ng mga Amerikano sa mga military bases ng Pilipinas.

Lahat ng ito, nakatutok sa direksiyon ng China.

“The United States cannot fight and engage China and win. We will not beat the Chinese. We cannot beat the Chinese. And we know this, and yet we’re using the Philippines to create the conditions of potential conflict with the Chinese. Please understand that for the Filipino people, this is a recipe for disaster. You think America is your friend,” aniya.

Payo naman ni Ritter sa Philippine Government – huwag magpauto.

Dahil walang pakialam ang mga Amerikano sa ating mga Pilipino.

Sa totoo lang – hanggang ngayon, nananatiling mababa ang tingin nila sa atin.

Mga lahing sinakop at inalila nila sa mahabang panahon.

Ex-US Intel Officer sa mga Pilipino: Hindi kayo tutulungan ng United States

“China doesn’t want war. And if you would engage China in diplomacy, and as we’ve all indicated here, America has long since lost the skill set necessary to carry out diplomacy.”

“But the Filipinos, the Philippine people can reignite this, relearn it, and use this skill to prevent a war. But if you continue to behave as colonial subjects, and I know that’s a sore, sore, sore subject of the Filipino, because you were the colonial subjects of America. We still view you as our colonial subjects. We don’t like you. We don’t care about you. We just want to use you. Grow up. Grow up and act responsibly. Take control of your own future. America is not here to help you. America is here only to use you until there’s nothing left. And then we will discard you on the trash heap of history,” diin nito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter