Ex-US Pres. Donald Trump, inaasahang opisyal nang ianunsyo ang kanyang presidential bid sa 2024

Ex-US Pres. Donald Trump, inaasahang opisyal nang ianunsyo ang kanyang presidential bid sa 2024

INAASAHANG opisyal nang i-aanunsyo ni dating US President Donald Trump ngayong Miyerkules, Philippine time ang kanyang muling pagtakbo bilang pangulo ng Estados Unidos sa 2024.

Kasunod ito ng pagpapatawag ni Donald Trump sa kanyang mga loyalista na pumunta sa kanyang mansion sa Florida para sa isang malaking anunsyo, alas nwebe ng gabi ngayong Miyerkules.

Bagama’t kilala si Trump na paiba-iba ang desisyon sa buhay, makikita namang ilang buwan nang nagpapakita ng motibo ito hinggil sa pagtakbo sa 2024 US Presidential Elections.

Sakali ngang matuloy ay pangatlong beses na ito ni Trump na tumakbo bilang pangulo ng Estados Unidos.

Naupo si Trump noong 2016 at nang matapos ang kanyang termino nitong 2020 ay tumakbo ito muli subalit natalo ni Joe Biden.

Follow SMNI NEWS in Twitter