PINABULAANAN ni Executive Secretary Vic Rodriguez ang mga agam-agam na nag-resign na ito sa posisyon sa gobyerno.
Ayon kay Rodriguez, wala siyang ideya kung saan nanggaling ang mga haka-haka na nagbitiw na siya sa gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“Even the messages that I got this morning essentially what they said that I have resigned..But I am just here I hardly go out of my office… I don’t know how the rumor started,” pahayag ni Rodriguez.
Dagdag pa ni Rodriguez, malinaw na kapag tinanggap ng isang indibidwal ang nominasyon at rekwes ng Presidente na tulungan itong magsilbi at magpatakbo sa bansa ay awtomatikong tinanggap na rin ng taong ito ang posibilidad na anumang oras, hihilingin ng Pangulo sa kanya na lisanin nito ang pwesto.
“The moment you said yes, automatic na rin, tinanggap mo na rin anytime you will be asked to leave, but until that happens then you stay, di ba,” ani Rodriguez.
“So malinaw dito sa present administration that all those serving under President Marcos that the moment the President asked you to serve under his leadership it goes without saying that there’s no permanence,” dagdag ng kalihim.
Sakali namang magbitiw siya sa puwesto sa gobyerno, tiniyak ni Rodriguez na magiging pangunahing dahilan ang kalusugan at pamilya.
“I don’t want to think about it. But, of course for health reasons. Of course, family reasons. That’s why I am saying I don’t want to think about those reasons because I don’t want to get sick. I don’t think anyone of us here want to get sick. And the moment you cite that as a reason to your employer, something must be seriously wrong with your health. I wish you all well, I hope you wish me well too health-wise,” aniya pa.
Nag-ugat ang resignation rumors ni Rodriguez kasunod ng iba’t ibang alegasyong ipinupukol laban sa kanya.
Kabilang dito ang napaulat na hindi umano kinaya ni Rodriguez ang pressure sa ‘inner circle” ng administrasyong Marcos.
Isang religious organization din umano ang nagsumbong kay PBBM patungkol sa alegasyon kay Rodriguez na nangingikil daw ang grupo nito ng P100-million para sa nais magkaroon ng posisyon sa pamahalaang Marcos.
Ang mga naturang alegasyon ay mariing itinanggi ni Rodriguez, aniya, tsismis lang ang mga ito.
Giit ng opisyal, noong panahon pa lang ng pangangampanya, ay sinusundan na ito ng fake news.
“We will only explain things that are coming from verifiable source or sources. But I know you understand too if it’s a fake news or bordering on chismis or Marites, I don’t think it’s proper for anyone whether a government functionary or an ordinary person to be asked or made to explain. Ang dapat siguro magpaliwanag diyan, go to the source, sino ang nag post nyan, ano ba ang sources mo, pakipalawanag mo nga. If he or she or they can establish,” ayon kay Rodriguez.
Si Rodriguez ay matagal nang Chief of Staff at tagapagsalita ni Pangulong Marcos bago itinalaga bilang executive secretary ng Punong Ehekutibo.