Executive committee ng PhilHealth ang mafia sa loob ng ahensiya —Sec. Lacson

Executive committee ng PhilHealth ang mafia sa loob ng ahensiya —Sec. Lacson

KUMBINSIDO si Senator Panfilo Lacson na ang mafia o sindikato sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ay ang mismong mga miyembro ng executive committee ng ahensiya.

Ito ay matapos sabihin ni resigned Anti-Fraud Officer Thorrsson Montes sa ginawang pagdinig ng Senado na nasa P15 billion ng pondo sa PhilHealth ay napunta sa bulsa ng sindikato sa state-run firm.

Ayon kay Lacson, mga miyembro mismo ng executive committee ng PhilHealth ang naghahanda ng master list kung sino ang mga ospital at HCIs na mauunang bigyan.

Lumalabas din sa imbestigasyon na sila lahat ang nagmamani-obra, pati overpricing, pag-operate ng pondo ng PhilHealth, ay nasa execom.

Sa ngayon, nai-turnover na aniya kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga dokumento na nakalap ng Senado.

Kasong kriminal aniya ang maaaring isampa sa mga opisyal ng PhilHealth.

Samantala, irerekomenda na ng Senado ang paghahain ng reklamo laban sa ilang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kabilang na dito ang presidente at CEO na si Ricardo Morales.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, haharap sina Morales at iba pang accountable officers ng ilang counts ng malversation of public funds.

Ito ay matapos aminin ni Morales na kanyang inaprubahan ang pagpapalabas ng pondo sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism o IRM para sa mga healthcare institutions na hindi otorisadong tumanggap.

Mababatid na napagdesisyunan na ng Senate Committee of the Whole na tapusin na ang mga pagdinig kaugnay sa umano’y anomalya sa state insurer.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.