Exoplanet na kapareho ng planetang Jupiter, nadiskubre

Exoplanet na kapareho ng planetang Jupiter, nadiskubre

INANUNSIYO ng scientists ngayon na mayroon silang panibagong nadiskubre na exoplanet ngayong linggo.

Batay sa datos ng James Webb Space Telescope, ang exoplanet na HD 189733 ay pareho sa planetang Jupiter dahil mayroon itong hydrogen sulfide, isang colorless gas na amoy bulok na mga itlog.

Maliban pa sa hydrogen sulfide, mayroon ding carbon dioxide, oxygen, tubig, at heavy metals dito.

May temperatura din itong 1,700 degrees Fahrenheit o 926.6 degrees Celsius.

Bago ang paglathala na ito ay inisyal nang nadiskubre ang exoplanet HD 189733 noong 2005 at may layo ito mula sa Earth na 65 light years malapit sa constellation Vulpecula.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble