NAKATAKDANG bumisita sa Pilipinas si Kai ng EXO para sa kaniyang 2025 KAI SOLO CONCERT TOUR ngayong Hulyo 27 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Bilang pagbabalik matapos ang kaniyang military service, maghahandog si Kai ng isang full production concert na may 23 powerful performances kabilang ang mga bagong kanta mula sa kaniyang EP na ‘Wait On Me’.
Inaasahang mapapalipad sa saya ang fans sa kaniyang stage presence, choreography, at heartfelt renditions ng mga lumang EXO hits tulad ng “My Lady,” “Baby Don’t Cry,” at “Angel.”
May fan signing event din the following day para sa mga bibili ng kaniyang bagong album mula Hunyo 1–10. Ipo-post ng PULP Live World ang official registration mechanics sa kanilang social media accounts.
Tiyak na ito ay isang concert event na hindi dapat palampasin!