Expo 2020 Dubai passports, ipinagbebenta online sa halagang aabot sa Dh9,000

Expo 2020 Dubai passports, ipinagbebenta online sa halagang aabot sa Dh9,000

IPINAGBEBENTA online ang Expo 2020 Dubai merchandise at passports na mayroong stamps.

Kabilang na ang passport sa mga advertisement na inilabas ng mga seller.

Sa event ay ibinebenta lamang ito sa halagang dalawampung dirhams pero ngayon ay umaabot na ito sa dalawang libong dirhams hanggang siyam na libong dirhams.

Ang limampung pahina na passport booklet ay naglalaman ng mga disenyo ng tatlong thematic pavilions maging ng Al Wasl Plaza, ang crown jewel ng expo site.

Isang seller naman ang naglagay ng sale sa dalawang regular expo passports at isang white limited-edition passport sa classified website na dubizzle sa halagang siyam na libong dirhams.

Ang tatlong passport ay nasa maayos na kondisyon umano at mayroong 217 stamps sa kabuuan.

Matatandaan na ang anim na buwang event na nagtapos noong Marso 31 ay nakapagtala ng 24 na milyong pagbisita.

Follow SMNI NEWS in Twitter