SUPORTADO ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) ang 90-day extension sa SIM card registration.
Ayon kay PNP-ACG spokesperson Police Lieutenant Michelle Sabino, mabibigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa nakapagparehistro na tumalima sa nasabing kautusan ng gobyerno.
Dahil dito, nananatili aniyang nakaalerto ang ACG laban sa mga scammer lalo’t pinalawig ang SIM card registration.
Tiniyak ni Sabino na nakahanda silang umalalay sakaling may mabiktima ng mga scammer.
Ngayong araw, Abril 26 sana ang huling araw ng pagpaparehistro ng SIM card pero pinalawig dahil sa mataas na bilang ng mga hindi pa tumatalima.