F-16 fighter jets, kabilang sa planong bilhin ng Pilipinas

F-16 fighter jets, kabilang sa planong bilhin ng Pilipinas

UMAASA ang Philippine Air Force (PAF) sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magiging prayoridad pa rin ng susunod na gobyerno ang modernisasyon sa sandatahang lakas ng Pilipinas.

Nakalinya na sa listahan ng mga prayoridad nga Armed Force of the Philippines ang pagbili ng panibagong kagamitang pandigma.

Sa panayam ng SMNI News kay Air Force spokesperson Col. Maynard Mariano, isa sa mga pinag-aaralang bilhin ng pamahalaan ang “F-16 Fighting Falcon” jets o karagdagang multirole fighter para sa sandatahang lakas ng Pilipinas

Ang nasabing fighter jet ay may kamahalan sa presyo pero ayon kay Mariano, kaya ng bansa na bilhin ito sa ngalan ng modernisasyon at pangangalaga sa seguridad ng bansa.

Batay sa impormasyon ang “F-16 Fighting Falcon” jet ay may frameless bubble canopy para sa magandang visibility nito, may side-mounted control stick para sa mabilis na pagmainubra nito.

Ang F-16 rin ay isang multirole fighter at air superiority fighter na may internal M61 Vulcan Cannon AT 11 locations mounting weapons at unang gumamit nito ay ang United States Air Force.

Bukod dito, nasa pinal na pagsasaayos na rin ang pamahalaan sa pagdating ng karagdagan pang air assets na binili sa Russia at iba pang potensiyal na mga bansa na pagkukunan ng mga makabagong kagamitang pandigma.

Samantala, umaasa ang pamunuan ng Philippine Air Force na magiging prayoridad pa rin ng susunod na administrasyon ang nasimulang modernisasyon sa sandatahang lakas ng Pilipinas.

Kahapon, dumating ang dalawa sa anim na yunit ng T-129 ATAK helicopters mula sa Turkey.

Inihatid ang mga ito ng Turkish Air Force sa Clark Air Base, Mabalacat City, Pampanga.

Nagkakahalaga ang proyekto ng P13.7 bilyon ang mga helicopter na binili sa Turkish Aerospace Industries bilang bahagi ng AFP Modernization Plan – Horizon 2.

Gagamitin ng 15th Strike Wing ng Air Force ang mga helicopter para sa close air support, armed surveillance at reconnaissance.

Follow SMNI News on Twitter