SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Marikina sa susunod na linggo.
Ito ay bunsod ng nakaambang malawakang tigil-pasada ng mga transport group mula Marso 6 – 10.
Sa abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina at DepEd Marikina, ipagpapatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang gawain at pag-aaral sa kanilang tahanan gamit ang modules.
Sa mga may kakayahan, maaaring magsagawa naman ng online classes bilang alternative learning modality.