Face 2 Face classes sa ilang lugar, ‘wag nang ipilit sa mga bata dahil sa mainit na panahon—Sen. Gatchalian

Face 2 Face classes sa ilang lugar, ‘wag nang ipilit sa mga bata dahil sa mainit na panahon—Sen. Gatchalian

NGAYONG matindi ang init ng panahon, naging mungkahi ng ilang senador na magkaroon na lang muna ng blended o alternative learning at huwag nang ipilit sa ibang lugar ang face to face classes.

Lagpas alas-dose ng tanghali nang abutan namin ang klase sa Aurallio High School sa Maynila.

Ang mga estudyante sa isang room ay nagpapaypay at panay ang patak ng pawis habang nakikinig sa kanilang guro.

‘Yan ay dahil sa tindi ng init ng panahon kahit pa mayroon nang tatlong electric fan ang silid-aralan.

Si John Arken na isang senior high, may dala pang mini electric fan kahit saan siya pumunta sa campus.

Aminado ang mga estudyante na hirap silang makapag-concentrate sa kanilang lesson dahil sa init.

Panawagan ni Sen. Sherwin Gatchalian, huwag nang ipilit sa mga bata na pumasok sa paaralan kung matindi ang init ng panahon.

Puwede naman aniya na mag blended learning na lang muna.

 “Panawagan ko sa mga guro, wag nilang ipilit na pumasok ang bata sa eskwelehan,” saad ni Sen. Sherwin Gatchalian.

Hirit din ni Sen. Nancy Binay na magkaroon ng alternative learning at baka panahon na para silipin ang istruktura ng mga paaralan.

Sen. Villar, hindi kampante sa isinusulong na blended learning kasabay ng mainit na panahon

Pero si Sen. Cynthia Villar hindi kumporme sa blending learning.

Ayon sa Department of Education (DepEd) Manila OIC Dr. Nerisa Lomeda, nasa paaralan na ang desisyon kung magfa-face to face classes o blended learning.

Dedepende aniya ito sa sitwasyon sa kanilang lugar.

Mayroon ding ibinabang order sa mga paaralan na payagan ang mga guro at mag-aaral na magsuot ng mas kumportableng damit kung papasok sa paaralan.

Maliban diyan, ang lahat ng pasok para sa face to face classes, ginagawa na lamang sa umaga.

Mga estudyante sa Maynila, mas gusto pa rin sa paaralan mag-aral kesa sa bahay kahit pa mainit ang panahon

Kung tatanungin naman ang mga estudyante, mas gusto pa rin nilang pumasok sa paaralan o ‘yung face to face ang klase kahit pa nga mainit ang panahon.

Dahil bukod sa mas marami silang matutunan sa loob ng school ay mas mainit pa anila pumirmi sa kanilang bahay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble