Face shield, iminungkahing ipamigay nang libre ng DOTr

Face shield, iminungkahing ipamigay nang libre ng DOTr

IMINUNGKAHI ni Senator Imee Marcos na ipamigay na lamang nang libre ang face shield sa publiko.

Aniya, dagdag-pasanin sa mga mahihirap ang bagong kautusan ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na gawin nang mandatory ang pagsusuot ng face shield sa sasakay ng jeep, bus, tren at maging sa mga eroplano.


Simula Aug. 15 ay ipatutupad na ng DOTr ang nasabing kautusan para aniya dagdag proteksyon sa mga commuter laban sa COVID-19.

Pero ayon kay Marcos, tutol siya sa ganitong kautusan dahil sa dagdag gastusin ito sa mga naghihikahos na mga Pinoy na sa halip na pambili na lang ng noodles ay ilalaan pa sa pagbili ng face shield.

Hirit ng senadora sa DOTr huwag biglain ang mga Pinoy sa bagong kautusan at hayaang bumili ng face shield ang mga yaon lamang may kakahayang bumili.

Tanong pa ng senador bakit hindi na lamang ilibre ng DOTr ang face shield sa mga byahero.

Nanawagan naman si Marcos sa Department of Trade and Industry o DTI na bantayan ang presyuhan ng face shield sa mga pamilihan.

Aniya, hindi pa nga naipapatupad ang kautusan para sa paggamit nito ay sumirit na ang presyo ng mga face shield.

 

Mula sa P30 hanggang P40 na halaga ng face shield ay napabalitang tumaas na ito sa 60 hanggang 65 bawat piraso.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.