Face shield sa LRT at MRT-3, mandatory na sa muling pagbubukas ng tren

Face shield sa LRT at MRT-3, mandatory na sa muling pagbubukas ng tren

MULING pinapaalala ng pamunuan ng LRT at MRT na maliban sa face mask, magiging mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa dalawang railway systems.

Ito ay oras na magbalik ang biyahe ng mga tren sa LRT at MRT.

Binigyang-diin ng pamunuan ng LRT at MRT na mahigpit nilang ipatutupad ang ‘No Mask, No Face Shield, No Entry’ policy sa lahat ng kanilang istasyon.

Ibig sabihin, hindi papapasukin ng istasyon at hindi pasasakayin ng tren ang mga pasaherong walang suot na face mask at face shield.

Kasabay nito, mahigpit ding ipagbabawal ang pagsasalita o pakikipag-usap sa loob ng mga tren.

Inaasahang muling magbubukas ang railways kapag naibalik na sa General Community Quarantine ang Metro Manila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.