SINABI ng Department of Education (DepEd) na gumamit ng face shields ang mga kabataan sa mga partikular na sitwasyon kung saan kinakailangang tanggalin ang face mask.
Kabilang dito ang mga aktibidad sa paaralan na nangangailangang makita ang buong mukha ng mga mag-aaral.
Ayon sa DepEd, hakbang nila ito para mapanatili pa rin ang kaligtasan ng mga mag-aaral mula sa virus.
Kung matatandaan ay pinapahintulutan na ang opsyonal na paggamit ng face mask sa outdoor areas lalo na kung may maganda namang ventilation.
Subalit para sa DepEd, magiging mandatoryo pa rin sa loob ng classrooms, laboratories at iba pang silid-aralan ang pagsusuot ng face mask.