Facebook, pinadidisiplina sa pamahalaan dahil sa mala ‘pasismong’ censorship

Facebook, pinadidisiplina sa pamahalaan dahil sa mala ‘pasismong’ censorship

NANAWAGAN ngayon ang National Press Club (NPC) sa pamahalaan na disiplinahin ang Facebook dahil sa mala-pasismong censorship.

‘Yan ay matapos macensor ang lahat ng content ng Philippine News Agency (PNA) at i-fact check at i-censor si National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Ayon kay NPC President Paul Gutierrez, dapat disiplinahin ng pamahalaan ang Facebook dahil lapastangan ang kanilang ginagawa.

Aniya, mala-pasismong pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag ang ginawa ng social media platform.

“Huwag nating payagan na mga dayuhan ang magdikta ng nilalaman ng ating mga isipan. Pasismo ‘yan, hindi demokrasya,” pahayag ni Paul Gutierrez, NPC President.

Binigyang-diin din nito na delikado ang ginagawa ng Facebook at ng fact-checkers nito na nakakaapekto sa soberanya ng bansa.

Pinangalanan ng NPC ang Facebook at Vera Files bilang mga ‘pasistang’ fact-checkers na dapat imbestigahan at tutukan ng pamahalaan.

Nanawagan naman ang NPC sa mga Pilipino na tumindig at lumaban sa mga banyagang korporasyon na nais isaksak sa ating mga Pinoy ang kanilang kagustuhan.

Sa ating mga Pilipino na malaya na hindi pasisiil sa mga dayuhan.

“Let us not be cowed in exposing the abusive behaviour of foreign-funded corporations who are now trying to impose their will on us, a sovereign people,” ani Gutierrez.

 

BASAHIN: Pag-fact check ng Facebook kay Gen. Esperon at Usec. Malaya, binatikos ng DILG

Follow SMNI News on Twitter