Facebook services, naantala bunsod ng kinakaharap na isyu

Facebook services, naantala bunsod ng kinakaharap na isyu

NAANTALA ng isang napakalaking outage ang facebook services at iba pang platform nito bunsod ng di umanoy kinakaharap na mga isyu.

Humaharap ngayon sa mga kontrobersya ang facebook company sa isyu ng epekto ng paggamit at pagbibibay nito ng misinformation sa mga kabataan.

Kamakailan lang ay naantala ng isang napakalaking outage ang facebook at ang mga instagram at whatsapp platform nito na nakaapekto sa potensyal na 10-M users ngunit agad din namang naagapan na maibalik ang mga serbisyo nito.

Ang outage ay nangyari isang araw matapos ibunyag sa telebisyon ng Estados Unidos ng isang whistleblower na si Frances Haugen ang kanyang pagkakakilanlan at naglabas ng maraming mga dokumento sa mga awtoridad na sinasabing alam ng kumpanya na ang mga produkto nito ay nakakasama sa kaisipan ng mga bata.

Si Frances Haugen ay isang 37-taong-gulang na data scientist mula sa IOWA at nagtrabaho sa mga kumpanya tulad ng google at pinterest.

Matatandaang sinabi ni Haugen sa pakikipanayam sa CBS news show na “60 minutes” na ang facebook ay mas malala ngayon kaysa sa dating mga nasaksihan nito.

Samantala, mariin namang pinabulaanan ng vice president of policy and global affairs ng facebook na si Nick Clegg ang pahayag na ang mga platform ay “nakakalason” para sa mga tinedyer sa isang tensyonado at mahabang oras na pagdinig sa kongreso ng Estados Unidos.

SMNI NEWS