Fact-checkers sa Facebook, pinagsabihan ng isang eksperto

Fact-checkers sa Facebook, pinagsabihan ng isang eksperto

PINAGSABIHAN ng political analyst na si Dr. Antonio Contreras ang fact-checkers ng Facebook dito sa Pilipinas na umayos at gawin nang tama ang kanilang trabaho.

Paraan ito ng dating political science professor dahil daw sa hindi makatarungang fact-checking ng mga impormasyon sa Facebook.

Sa panayam ng SMNI News, binanggit ni Contreras ang Rappler at Vera Files bilang mga fact-checker.

“So kung ayaw ng mainstream media, kung ayaw nitong mga nagfa-fact check karamihan mga taga mainstream media na magkaroon ng disinformation sa social media ayusin nila trabaho nila. Ibalik nila ang tiwala ng bayan sa kanila. Talagang tunay dapat nilang dalhin ang katotohanan na walang kinikilingan,” pahayag ni Contreras.

Giit pa ni Dr. Contreras na kung pantay ang fact-checking na ginagawa sa social media ay wala dapat pumapalag dito.

“Dahil ‘pag ganon, hindi na kailangan gumanti ang mga partisano ng mga pulitiko na inaatake nila sa mainstream. Kaya naman karamihan sa Duterte loyalist at Marcos loyalist pumunta ng social media kasi ang mainstream media litaw naman litaw talaga by far and large except for some few exceptions are Anti-Marcos and Anti-Duterte,” ani Contreras.

Ang SMNI News, hindi nakaligtas sa mala-harassment na fact-checkers ng Facebook sa bansa.

May mga pagkakataon na may disclaimer o babala sa mga FB post bago ito mabuksan lalo na ang mga pro-administration content.

“Kasi ang Facebook naman may mga fact checker yan eh. May mga mechanical fact-checking Admar and Jayson. Yung mechanical fact-checking yan yung nakaprogram sa algorithm kung ano yung mga words na ifa-flag nila. So yung kill for example or anything that is about violence pag may post kang ganon o kaya’y images na may mga baril pwede ka nilang ma-flag pero mechanical yan. But they have human intervenors, they have human guards. Eto ngayon ang problema, kapag yung mga human na ang nagve-vet ng mga post ay mayroong political bias, doon tayo magkaka-problema,” dagdag ni Contreras.

BASAHIN: Rappler, hindi maaaring maghari-harian sa bansa –SolGen Jose Calida

Follow SMNI News on Twitter