HINIKAYAT ni actress/TV host na si Toni Gonzaga ang publiko na i-report ang pekeng Facebook account na nakapangalan sa kanya dahil sa nanghihingi ito ng digital gifts para magkapera.
Sa Instagram story nito noong Hulyo 3, ibinahagi ni Toni ang tinutukoy na fake FB account sa pamamagitan ng isang screenshot.
Makikita na pinangalanan ito ng “Celestine Gonzaga-Soriano.”
Sa comment section ng poser na may 500, 000 followers ay makikita ang panghihingi nito ng digital gifts.
Ayon kay Toni, hinding-hindi sila nanghihingi ng pera kailanman.
At para matiyak na totoong account ni Toni ang mai-follow ng publiko, ibinahagi na rin niya ito sa pamamagitan ng screenshot.
Ang kanyang official FB account ay pinangalanang “Toni Gonzaga Studio.”