‘Fake Vaccine Network’ sa China at South Africa, kumakalat pero timbog ng mga awtoridad sa China at South Africa ayon sa ulat ng INTERPOL.
Ang ‘Fake Vaccine Network’ o Libo-libong dosis ng peke o Counterfeit na bakuna kontra COVID-19 ang nasamsam ng mga awtoridad sa China at South Africa.
Ayon sa ulat ng International Criminal Police Organization o INTERPOL, tatlong libong dosis ng pekeng COVID-19 Vaccine ang natagpuan sa isang Factory sa China kung saan walumpung katao ang naaresto.
Tatlong Chinese naman at isang Zambian National ang idinetine matapos maaresto sa isang warehouse sa Gauteng, South Africa kung saan natagpuan ang 2,400 na dosis ng pekeng bakuna.
Nagpahayag naman si INTERPOL Secretary General Jurgen Stock na ang pagkakahuli sa naturang mga suspek sa China at South Africa ay ‘tip of the iceberg’ lamang pagdating sa mga krimen na may kaugnayan sa COVID-19 vaccines.
“These arrests, underline the unique role of INTERPOL in bringing together key players from both the public and private sectors to protect public safety.” ayon kay INTERPOL Secretary General Jurgen Stock
Matatandaan na noong disyembre ay nagpalabas ng Global Alert Warning ang INTERPOL sa 194 na mga miyembrong bansa nito para paghandaan ang mga organized crime networks na target ang mga bakuna kontra COVID-19, at nagbigay din ng payo kung paano matukoy ang mga pekeng medical products.