Fans, nanawagan para sa mababang presyo ng ticket sa concert ng Treasure sa Pilipinas

Fans, nanawagan para sa mababang presyo ng ticket sa concert ng Treasure sa Pilipinas

INIHAYAG na ng local promoter na Live Nation Philippines ang presyo ng mga ticket para sa paparating na solo concert ng sumisikat na K-pop boy group na Treasure na inulan naman ng reklamo mula sa mga fans dahil sa kamahalan nito.

Inilabas ng Live Nation sa mga social media page nito ang presyo ng mga ticket, seat plan at ticketing guidelines para sa Manila Leg ng “Hello” Tour ng Treasure na nakatakdang ganapin sa SM Mall of Asia Arena sa April 15.

Ilang sandali lamang matapos na i-release ng Live Nation ang detalye ng tickets ay inilabas naman ng fans sa social media ang pagkainis nito sa local promoter dahil sa pagkamahal na presyo ng ticket na nag-trending pa online.

Sa ngayon, trending ang “LNPH” (Live Nation Philippines) kung saan makikita ang pag apela ng mga fans sa organizers para sa mas mababang presyo ng tickets.

Napansin din ng ibang fans kung bakit mas mahal pa ang ticket ng Treasure kumpara sa mas sikat na K-pop acts gaya ng Blackpink at Seventeen.

Follow SMNI NEWS in Twitter