MAKAKABENEPISYO sa nakatakdang fare rollback program ng pamahalaan ang mga commuter subalit inamin ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na alanganin sila sa programa.
Ang tinutukoy na programa ni FEJODAP President Boy Rebano ay ang ipatutupad ng Department of Transportation (DOTr) na rollback na pamasahe sa lahat ng pampasaherong jeep sa Metro Manila at kalapit na lungsod sa buwan ng Abril.
Sa programa, magiging P11 na ang bayad sa modernized jeepney at P3-4 naman ang ibabawas sa bus.
Sa tradisyunal jeep ay magiging P9 na rin ang pamasahe batay sa inisyal na plano.
Kaugnay nito, hiniling ni Rebano na bago maipatupad ang roll back ay linawin muna ng DOTr kung ano-ano ang magiging pinal na hanay ng pampublikong transportasyon ang saklaw rito.