Farm tourism, isusulong upang makatutulong sa industriya ng turismo ng bansa

Farm tourism, isusulong upang makatutulong sa industriya ng turismo ng bansa

BONUS OFFER

MAGSASANIB-puwersa ang Department of Tourism (DOT) at Food and Agriculture Organization (FAO) upang isulong ang farm tourism ng bansa.

 

Ito ay upang tulungan ang industriya ng turismo sa bansa na makarekober mula sa COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nakatakdang makipagpulong ang DOT team sa FAO, isang ahensya ng United Nations, ngayong buwan upang isapinal ang detalye ng programa.

 

Ayon kay Puyat, layunin ng programa na maiugnay ang turismo sa kasanayan sa pang-agrikultura na layong magbigay ng suporta sa mga magsasaka at mangingisda na makaahon sa panahong ito ng pandemya.

 

Ang konsepto ng farm tourism ay hihikayatin ang mga turista na bumisita sa mga bukirin upang mararanasan ang mga aktibidad sa agrikultura kagaya ng pag-aani, pagpapakain at pagpapalaki ng hayop, pangingisda, camping, hiking at local cuisine sampling.

 

Dagdag pa ni Puyat, ang farm tourism ay malaking potensyal na makapagbibigay ng sapat at karagdagang kita sa mga magsasaka at mangingisda.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.