FB Group ng AWU Foundation Scholars, ipinakilala na sa publiko

FB Group ng AWU Foundation Scholars, ipinakilala na sa publiko

OPISYAL nang isinapubliko ng Always With U (AWU) Foundation Scholars ng bansang Korea sa Pilipinas ang kanilang Facebook Group.

Ayon sa Foundation, magsisilbing opisyal na portal ito sa mga makabuluhang talakayan, katanungan at pagbabahagi ng mga impormasyon, mga natutunan ng mga estudyante sa kani-kanilang napiling larangan o interes sa buhay.

Nais ring ipakita sa page na ito ang mga nagpapatuloy na programa ng AWU Foundation sa pagtulong sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino gaya ng libreng pag-aaral at financial assistance sa mga benepisyaryo nito.

Samantala, masaya namang nakatanggap ng regalo ang mga iskolar ng AWU Foundation sa ginanap na AWU Scholarship Night.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble