FB Page na gumamit ng kanta para siraan si BBM, inireklamo sa NBI

FB Page na gumamit ng kanta para siraan si BBM, inireklamo sa NBI

PERSONAL na tumungo ngayong araw sa NBI Cyber Crime Division sa Quezon City ang singer na si Anthony Castelo para ihain ang cyber libel case laban sa isang FB Page na gumamit ng kanta na ‘Balat Kayo’ para umanoy siraan ang frontrunner na si Bongbong Marcos Jr. 

Ang makikita sa post ay ang compilation ng mga larawan o video ni BBM sa campaign sorties pero may nakasulat sa taas na mga salitang ‘diring diri sa masa at nadidiri makipagkamay.’

Ang mga ito ay nakapost habang tumutugtog ang kantang Balat Kayo kung saan si Castelo ang kumanta nito.

Sa compilation video ay nandoon din ang mga dating larawan ni BBM noong kabataan nito at mga dating media interview ng frontrunner.

Sa taas nito ay nilagyan ng iba pang mga mapanirang salita laban kay BBM habang nagpaplay ang naturang kanta.

Saad ni Castelo, ilang ulit siyang nakiusap sa Facebook Post na tanggalin ang naturang post at huwag gamitin ang kanta sa paninira.

Wala raw siyang sagot na nakuha mula dito at hindi rin daw nito binura ang post na naging daan para magsampa na siya ng reklamo sa NBI.

Saad ni Castelo, ginawa ang mapanirang post anim na araw nang kantahin niya ang ‘Ako Ay Pilipino’ bilang pagpupugay kay dating Presidente Ferdinand Marcos Sr.

Masakit daw ang loob ni Castelo sa FB Post kasi ang kaniyang pamilya ay matagal nang Marcos loyalist pero siya ang kinasangkapan para siraan ito.

Si Castelo naging medyo emotional nang sabihin nitong hindi totoong nagbabalat kayo lamang ang mga Marcoses gaya ng ipinapabas ng nasa likod ng mapanirang FB Post.

Aniya, mas nakilala niya ang tunay na ugali ng mga ito nang makasama nilang manirahan sa Hawaii ang mga Marcos noon.

Napag-alaman na ang composer ng kantang ‘Balat Kayo’ ay mismong si Senate President Tito Sotto III.

Follow SMNI News on Twitter