FDA at DTI, naglabas ng babala sa mga nauusong toy collectibles

FDA at DTI, naglabas ng babala sa mga nauusong toy collectibles

NAGBABALA ang Department of Trade and Industry (DTI) at Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na mag-ingat sa nauuso ngayong toy collectibles.

Ayon sa FDA, may panganib itong maidudulot sa mga bata kahit ang mga nabibiling mga laruan ay nakadisenyo para sa mga nakatatanda.

Sa impormasyon, may maliliit at madaling matanggal na bahagi ng mga laruan na posibleng magdulot ng chemical exposure at choking hazard sa mga bata.

Para makaiwas dito, payo ng FDA na dapat tiyakin na ang mga toy collectibles ay gawa sa non-toxic at gawa sa materyales na lead free at phthalate-free.

Basahin din ang label para sa recommended age group ng nasabing laruan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble