INAPRUBAHAN na ang Emergency Use Authorization (EUA) ng China-made vaccine Sinopharm ayon sa pahayag ni Food and Drug Administration (FDA) General Director Dr. Eric Domingo.
Ito’y matapos sinuri nang husto ng mga eksperto ng ahensya ang nasabing bakuna.
Ayon kay Domingo, tiningnan na rin ang nasabing bakuna ng mga eksperto at ang evaluation ng FDA ay binigyan na ng EUA ng Department of Health (DOH) upang tanggapin ang donasyon ng bakunang Sinopharm.
Kaugnay naman sa mga inaabangan na mga bakuna, sinabi ni Domingo na ang NovaVax na lang ang hindi pa nag-apply ng EUA sa bansa.
Kung matatandaan, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ibalik ang 1,000 doses ng Sinopharm vaccine dahil hindi pa ito nabibigyan EUA ng FDA.
Kalaunan, inihayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na posibleng hindi na ibalik ang bakuna sa sandaling makakuha ng EUA mula sa FDA.
Nabatid na kabilang sa brand ng bakuna na nabigyan na ng EUA ng FDA sa bansa ay ang Pfizer-BioNTech, Moderna, Johnson and Johnson at iba ipa.
Samantala, sa usapin naman ng suplay ng bakuna, iniulat ni National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na ang Covaxclavi ng Japan ay patuloy sa pag-commit na kayang ma-inoculate na hanggang 30% ng global population.
Kaugnay rito, sinabi ni Galvez na magkakaroon na ng supply agreements sa mga vaccine manufacturer partikular sa Pfizer kung saan pag nakuha iyon ay makakakuha ng 14 million o more or less 15 million na made-deliver sa 3rd quarter at ang iba naman ay sa 4th quarter.
Ayon kay Galvez, bukas na ang bakunahan para sa A4 group gaya ng mga uniformed personnel, media workers, public drivers, vendors at iba pa.
Dagdag ng kalihim, pagdumating na ang COVID-19 vaccine mula sa Covax ay maaari ng mabakunahan ang mga tao o iyong mga indigent group na kabilang sa A5.
Sa ngayon ay may kabuuang P11-M doses ng bakuna ang makukuha ng bansa mula sa Sputnik V, Sinovac, Pfizer, Moderna at AstraZeneca habang sa Hulyo naman mahigit P10-M doses ng bakuna ang darating.
(BASAHIN: Paggawad ng WHO ng EUA sa Sinopharm, magpapadali sa EUA approval sa bansa —local distributor)