NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko sa pagbili at paggamit ng Ivermectin veterinary product kontra COVID-19.
Sa public health advisory ng FDA, nilinaw nito na ang Ivermectin ay aprubado lang para sa hayop laban sa heartworm disease at internal and external parasites sa ilang mga hayop.
Ang gamot ay bahagi ng parasite control program sa mga hayop at dapat licensed veterinarian lang din ang pwedeng mag prescribe.
Ayon sa FDA, ang Ivermectin ay maaari lang sa tao para sa topical formulation o sa balat lang para sa gamot sa external parasites at dapat may prescription rin.
Sinabi ng FDA na hindi ito aprubado ng ahensiya bilang gamot sa anumang viral infection.
(BASAHIN: FDA, nagbabala sa paggamit ng isang lip and cheek tint ng Ever Bilena)